7Nang silaʼy nasa Ehipto, hindi nila pinansin ang kahanga-hangang mga ginawa ninyo. Nilimot nila ang mga kabutihang ipinakita nʼyo sa kanila, at silaʼy naghimagsik sa inyo doon sa Dagat na Pula.
8Ngunit iniligtas nʼyo pa rin sila, para kayo ay maparangalan at maipakita ang inyong kapangyarihan.
9Inutusan ng Panginoon ang Dagat na Pula, at ito ay natuyo; pinangunahan niya ang kanyang mga mamamayan na makatawid na parang lumalakad lamang sa disyerto.
10Iniligtas niya sila sa kanilang mga kaaway.
11Tinabunan niya ng tubig ang kanilang mga kaaway, at walang sinumang nakaligtas sa kanila.