Awit 106

Nang silaʼy nasa Ehipto, hindi nila pinansin ang kahanga-hangang mga ginawa ninyo. Nilimot nila ang mga kabutihang ipinakita nʼyo sa kanila, at silaʼy naghimagsik sa inyo doon sa Dagat na Pula.

Psalm 106:7 (UKJV) Our fathers understood not your wonders in Egypt; they remembered not the multitude of your mercies; but provoked him at the sea, even at the Red sea.

5upang akoʼy maging bahagi rin ng kaunlaran ng inyong bansang hinirang, at makadama rin ng kanilang kagalakan, at maging kasama nila sa pagpupuri sa inyo.

6Kami ay nagkasala sa inyo katulad ng aming mga ninuno; masama ang aming ginawa.

7Nang silaʼy nasa Ehipto, hindi nila pinansin ang kahanga-hangang mga ginawa ninyo. Nilimot nila ang mga kabutihang ipinakita nʼyo sa kanila, at silaʼy naghimagsik sa inyo doon sa Dagat na Pula.

8Ngunit iniligtas nʼyo pa rin sila, para kayo ay maparangalan at maipakita ang inyong kapangyarihan.

9Inutusan ng Panginoon ang Dagat na Pula, at ito ay natuyo; pinangunahan niya ang kanyang mga mamamayan na makatawid na parang lumalakad lamang sa disyerto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.