Awit 107

Silaʼy pinagpapala ng Diyos, at pinararami ang kanilang angkan. Kahit ang kanilang mga alagang hayop ay nadadagdagan.

Psalm 107:38 (UKJV) He blesses them also, so that they are multiplied greatly; and suffers not their cattle to decrease.

36Doon niya pinapatira ang mga taong nagugutom, at nagtatayo sila ng lungsod na kanilang tatahanan.

37Nagsasabog sila ng binhi sa bukirin at nagtatanim ng ubas, kaya sagana sila pagdating ng anihan.

38Silaʼy pinagpapala ng Diyos, at pinararami ang kanilang angkan. Kahit ang kanilang mga alagang hayop ay nadadagdagan.

39Ngunit dahil sa pang-aapi, kahirapan at pagkabagabag, silaʼy nabawasan at napahiya.

40Isinusumpa ng Diyos ang mga umaapi sa kanila, at silaʼy ililigaw at gagala sa ilang na walang daan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.