Awit 107

Doon niya pinapatira ang mga taong nagugutom, at nagtatayo sila ng lungsod na kanilang tatahanan.

Psalm 107:36 (UKJV) And there he makes the hungry to dwell, that they may prepare a city for habitation;

34Nagagawa rin ng Panginoon na walang maani sa matabang lupa, dahil sa kasamaan ng mga naninirahan doon.

35Nagagawa rin niya ang ilang na maging tubigan, at sa mga tuyong lupain ay magkaroon ng mga bukal.

36Doon niya pinapatira ang mga taong nagugutom, at nagtatayo sila ng lungsod na kanilang tatahanan.

37Nagsasabog sila ng binhi sa bukirin at nagtatanim ng ubas, kaya sagana sila pagdating ng anihan.

38Silaʼy pinagpapala ng Diyos, at pinararami ang kanilang angkan. Kahit ang kanilang mga alagang hayop ay nadadagdagan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.