Awit 108

O Diyos, sinabi nʼyo roon sa inyong santuwaryo, “Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang Lambak ng Sucot, upang ipamigay sa aking mga mamamayan.

Psalm 108:7 (UKJV) God has spoken in his holiness; I will rejoice, I will divide Shechem, and mete out the valley of Succoth.

5O Diyos, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan sa kalangitan at ang inyong kaluwalhatian sa buong mundo.

6Iligtas nʼyo kami at tulungan sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, upang kaming mga minamahal nʼyo ay maligtas.

7O Diyos, sinabi nʼyo roon sa inyong santuwaryo, “Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang Lambak ng Sucot, upang ipamigay sa aking mga mamamayan.

8Sa akin ang Gilead at Manases, ang Efraim ay gagawin kong tanggulan at ang Juda ang aking tagapamahala.

9Ang Moab ang aking utusan at ang Edom ay sa akin din. Sisigaw ako ng tagumpay laban sa mga Filisteo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.