Awit 108

Sa akin ang Gilead at Manases, ang Efraim ay gagawin kong tanggulan at ang Juda ang aking tagapamahala.

Psalm 108:8 (UKJV) Gilead is mine; Manasseh is mine; Ephraim also is the strength of mine head; Judah is my lawgiver;

6Iligtas nʼyo kami at tulungan sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, upang kaming mga minamahal nʼyo ay maligtas.

7O Diyos, sinabi nʼyo roon sa inyong santuwaryo, “Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang Lambak ng Sucot, upang ipamigay sa aking mga mamamayan.

8Sa akin ang Gilead at Manases, ang Efraim ay gagawin kong tanggulan at ang Juda ang aking tagapamahala.

9Ang Moab ang aking utusan at ang Edom ay sa akin din. Sisigaw ako ng tagumpay laban sa mga Filisteo.”

10Sinong magdadala sa akin sa Edom at sa lungsod nito na napapalibutan ng pader?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.