Awit 108

Iligtas nʼyo kami at tulungan sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, upang kaming mga minamahal nʼyo ay maligtas.

Psalm 108:6 (UKJV) That your beloved may be delivered: save with your right hand, and answer me.

4Dahil napakadakila at walang kapantay ang pag-ibig nʼyo at katapatan.

5O Diyos, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan sa kalangitan at ang inyong kaluwalhatian sa buong mundo.

6Iligtas nʼyo kami at tulungan sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, upang kaming mga minamahal nʼyo ay maligtas.

7O Diyos, sinabi nʼyo roon sa inyong santuwaryo, “Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang Lambak ng Sucot, upang ipamigay sa aking mga mamamayan.

8Sa akin ang Gilead at Manases, ang Efraim ay gagawin kong tanggulan at ang Juda ang aking tagapamahala.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.