11Kunin sana ng kanyang pinagkakautangan ang kanyang mga ari-arian, at agawin ng mga dayuhan ang kanyang pinaghirapan.
12Wala sanang maawa sa kanya at sa mga naulila niyang mga anak kapag siyaʼy namatay na.
13Mamatay sana ang kanyang mga angkan upang silaʼy makalimutan na ng susunod na salinlahi.
14Huwag sanang patawarin at kalimutan ng Panginoon ang mga kasalanan ng kanyang mga magulang at mga ninuno; at lubusan na sana silang makalimutan sa mundo.