23Unti-unti nang nawawala ang aking buhay. Itoʼy parang anino na nawawala pagsapit ng gabi, at parang balang na lumilipad at nawawala kapag nagalaw ang dinadapuan.
24Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa pag-aayuno. Akoʼy payat na payat na.
25Akoʼy kinukutya ng aking mga kaaway. Iiling-iling sila kapag akoʼy nakita.
26Panginoon kong Diyos, iligtas nʼyo ako ayon sa pag-ibig nʼyo sa akin.
27At malalaman ng aking mga kaaway na kayo Panginoon ang nagligtas sa akin.