26Panginoon kong Diyos, iligtas nʼyo ako ayon sa pag-ibig nʼyo sa akin.
27At malalaman ng aking mga kaaway na kayo Panginoon ang nagligtas sa akin.
28Isinusumpa nila ako, ngunit pinagpapala nʼyo ako. Silaʼy mapapahiya kapag akoʼy sinalakay nila! Ngunit akong inyong lingkod ay magagalak.
29Silang nagbibintang sa akin ay lubusan sanang mapahiya; mabalot sana sila sa kahihiyan tulad ng damit na tumatakip sa buong katawan.
30“Pupurihin ko ang Panginoon, pupurihin ko siya sa harapan ng maraming tao.