Awit 109

“Pupurihin ko ang Panginoon, pupurihin ko siya sa harapan ng maraming tao.

Psalm 109:30 (UKJV) I will greatly praise the LORD with my mouth; yea, I will praise him among the multitude.

28Isinusumpa nila ako, ngunit pinagpapala nʼyo ako. Silaʼy mapapahiya kapag akoʼy sinalakay nila! Ngunit akong inyong lingkod ay magagalak.

29Silang nagbibintang sa akin ay lubusan sanang mapahiya; mabalot sana sila sa kahihiyan tulad ng damit na tumatakip sa buong katawan.

30“Pupurihin ko ang Panginoon, pupurihin ko siya sa harapan ng maraming tao.

31Dahil tinutulungan niya ang mga dukha upang iligtas sila sa mga nais magpahamak sa kanila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.