Awit 109

Sinisiraan nila ako at sinusugod nang walang dahilan.

Psalm 109:3 (UKJV) They compassed me about also with words of hatred; and fought against me without a cause.

1O Diyos na aking pinapupurihan, dinggin nʼyo ang aking panawagan!

2Dahil akoʼy pinagbibintangan ng mga sinungaling at masasamang tao. Nagsasalita sila ng kasinungalingan laban sa akin.

3Sinisiraan nila ako at sinusugod nang walang dahilan.

4Kahit nakikipagkaibigan ako sa kanila ay inaakusahan pa rin nila ako, ngunit ipinapanalangin ko pa rin sila.

5Sa kabutihang ginagawa ko sa kanila, masama ang iginaganti nila. At sa aking pag-ibig, ibinabalik nilaʼy galit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.