2Dahil akoʼy pinagbibintangan ng mga sinungaling at masasamang tao. Nagsasalita sila ng kasinungalingan laban sa akin.
3Sinisiraan nila ako at sinusugod nang walang dahilan.
4Kahit nakikipagkaibigan ako sa kanila ay inaakusahan pa rin nila ako, ngunit ipinapanalangin ko pa rin sila.
5Sa kabutihang ginagawa ko sa kanila, masama ang iginaganti nila. At sa aking pag-ibig, ibinabalik nilaʼy galit.
6Sinasabi nila, “Maghanap tayo ng masamang tao na kakalaban sa kanya, at magsasampa ng kaso sa hukuman laban sa kanya.