7Tapat at matuwid ang lahat niyang ginagawa, at mapagkakatiwalaan ang lahat niyang mga utos.
8Ang kanyang mga utos ay mananatili magpakailanman, at itoʼy ibinigay niya nang buong katapatan at ayon sa katuwiran.
9Tinubos niya ang kanyang mga mamamayan, at gumawa siya ng kasunduan na pangwalang hanggan. Banal siya at kahanga-hanga.
10Ang pagkatakot sa Panginoon ang simula ng karunungan. Lahat ng sumusunod sa kanyang mga utos ay may mabuting pang-unawa. Purihin siya magpakailanman.