4Nayanig ang mga bundok at burol, na parang mga lumulundag na kambing at mga tupa.
5Bakit nahawi ang Dagat na Pula, at tumigil sa kanyang pag-agos ang Ilog Jordan?
6Bakit nayayanig ang mga bundok at mga burol, na parang lumulundag na mga kambing at tupa?
7Nayayanig ang mundo sa presensya ng Panginoong Diyos ni Jacob,
8na siyang gumawa sa matigas na bato upang maging imbakan ng tubig at naging bukal na umaagos.