Awit 119

Panginoon, buong puso akong tumatawag sa inyo; sagutin ninyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin.

Psalm 119:145 (UKJV) I cried with my whole heart; hear me, O LORD: I will keep your statutes.

143Dumating sa akin ang mga kaguluhan at kahirapan, ngunit ang inyong mga utos ay nagbigay sa akin ng kagalakan.

144Ang inyong mga turo ay matuwid at walang hanggan. Bigyan ninyo ako ng pang-unawa upang patuloy akong mabuhay.

145Panginoon, buong puso akong tumatawag sa inyo; sagutin ninyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin.

146Tumatawag ako sa inyo; iligtas ninyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin.

147Gising na ako bago pa sumikat ang araw at humihingi ng tulong sa inyo, dahil nagtitiwala ako sa inyong pangako.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.