Awit 119

Ang inyong mga turo ay matuwid at walang hanggan. Bigyan ninyo ako ng pang-unawa upang patuloy akong mabuhay.

Psalm 119:144 (UKJV) The righteousness of your testimonies is everlasting: give me understanding, and I shall live.

142Walang katapusan ang inyong katuwiran, at ang inyong kautusan ay batay sa katotohanan.

143Dumating sa akin ang mga kaguluhan at kahirapan, ngunit ang inyong mga utos ay nagbigay sa akin ng kagalakan.

144Ang inyong mga turo ay matuwid at walang hanggan. Bigyan ninyo ako ng pang-unawa upang patuloy akong mabuhay.

145Panginoon, buong puso akong tumatawag sa inyo; sagutin ninyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin.

146Tumatawag ako sa inyo; iligtas ninyo ako, at susundin ko ang inyong mga tuntunin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.