Awit 119

Ipaunawa ninyo sa akin ang inyong mga tuntunin, upang pagbulay-bulayan ko ang inyong kahanga-hangang mga gawa.

Psalm 119:27 (UKJV) Make me to understand the way of your precepts: so shall I talk of your wondrous works.

25Akoʼy parang mamamatay na, kaya akoʼy panatilihin ninyong buháy ayon sa inyong pangako.

26Sinabi ko sa inyo ang tungkol sa aking pamumuhay at akoʼy pinakinggan ninyo. Ituro ninyo sa akin ang inyong mga tuntunin.

27Ipaunawa ninyo sa akin ang inyong mga tuntunin, upang pagbulay-bulayan ko ang inyong kahanga-hangang mga gawa.

28Akoʼy nanlulumo dahil sa kalungkutan, palakasin ninyo ako ayon sa inyong pangako.

29Ilayo ninyo ako mula sa paggawa ng masama, at tulungan ninyo akong sundin ang inyong kautusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.