Awit 119

Tulungan ninyo akong masabi ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon, dahil ang pag-asa ko ay nakasalalay sa inyong mga utos.

Psalm 119:43 (UKJV) And take not the word of truth utterly out of my mouth; for I have hoped in your judgments.

41Panginoon, ipakita ninyo ang inyong pag-ibig at pagliligtas sa akin, ayon sa inyong pangako.

42Pagkatapos sasagutin ko ang mga kumukutya sa akin, dahil akoʼy nagtitiwala sa inyong mga salita.

43Tulungan ninyo akong masabi ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon, dahil ang pag-asa ko ay nakasalalay sa inyong mga utos.

44Lagi kong susundin ang inyong kautusan habang akoʼy nabubuhay.

45Mamumuhay akong may kalayaan, dahil pinagsisikapan kong sundin ang inyong mga tuntunin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.