1Napapatanaw ako sa mga bundok; saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?
2Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.
3Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal. Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.
4Pakinggan mo ito! Ang nag-iingat sa mga taga-Israel ay hindi umiidlip o natutulog.
5Ang Panginoon ang nag-iingat sa iyo; siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan.