2At ngayoʼy narito na kami at nakatayo sa pintuan ng Jerusalem.
3Ang Jerusalem ay bayan na itinayong maganda at matibay.
4Dito pumupunta ang mga lahi ng Israel upang purihin ang Panginoon ng naaayon sa kanyang itinuro sa kanila.
5Dito sa Jerusalem ang hukuman ng mga hari na mula sa angkan ni David.
6Idalangin ninyo na maging mabuti ang kalagayan ng Jerusalem: “Umunlad sana ang nagmamahal sa bayan na ito.