Awit 122

Ang Jerusalem ay bayan na itinayong maganda at matibay.

Psalm 122:3 (UKJV) Jerusalem is built as a city that is compact together:

1Ako ay nagalak ng sabihin nila sa akin, “Pumunta tayo sa templo ng Panginoon.”

2At ngayoʼy narito na kami at nakatayo sa pintuan ng Jerusalem.

3Ang Jerusalem ay bayan na itinayong maganda at matibay.

4Dito pumupunta ang mga lahi ng Israel upang purihin ang Panginoon ng naaayon sa kanyang itinuro sa kanila.

5Dito sa Jerusalem ang hukuman ng mga hari na mula sa angkan ni David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.