Awit 125

Kung paanong ang mga bundok ay nakapaligid sa lungsod ng Jerusalem, ang Panginoon ay nasa paligid din ng kanyang mga mamamayan, magpakailanman.

Psalm 125:2 (UKJV) As the mountains are round about Jerusalem, so the LORD is round about his people from henceforth even for ever.

1Ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay tulad ng Bundok ng Zion na hindi natitinag, sa halip ay nananatili, magpakailanman.

2Kung paanong ang mga bundok ay nakapaligid sa lungsod ng Jerusalem, ang Panginoon ay nasa paligid din ng kanyang mga mamamayan, magpakailanman.

3Ang masama ay hindi mananatiling namamahala sa lupaing para sa mga matuwid, dahil baka makagawa rin ng masama ang mga matuwid.

4Panginoon, ipakita ninyo ang inyong kabutihan sa mga taong mabuti at namumuhay nang matuwid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.