1Nang muling ibinalik ng Panginoon sa Zion ang mga nabihag, itoʼy parang panaginip lamang.
2Tayo nooʼy nagtatawanan at nag-aawitan sa labis na kagalakan. At sinabi ng ibang mga bansa, “Napakadakila ng mga bagay na ginawa ng Panginoon para sa kanila.”
3Totoong ginawan tayo ng dakilang bagay ng Panginoon, at punong-puno tayo ng kagalakan.