2Tayo nooʼy nagtatawanan at nag-aawitan sa labis na kagalakan. At sinabi ng ibang mga bansa, “Napakadakila ng mga bagay na ginawa ng Panginoon para sa kanila.”
3Totoong ginawan tayo ng dakilang bagay ng Panginoon, at punong-puno tayo ng kagalakan.
4Panginoon, muli nʼyo kaming paunlarin, tulad ng tuyong batis na muling nagkaroon ng tubig.
5Silang nagtatanim na lumuluha ay mag-aaning tuwang-tuwa.
6Ang umalis na lumuluha, na may dalang binhi na itatanim ay babalik na masaya, na may dala-dalang mga ani.