7Panginoon, alalahanin nʼyo ang ginawa ng mga taga-Edom nang lupigin ng Babilonia ang Jerusalem. Sinabi nila, “Sirain ninyo ito at wasakin nang lubos!”
8Kayong mga taga-Babilonia, kayoʼy wawasakin! Mapalad ang mga taong lilipol sa inyo gaya ng ginawa ninyong paglipol sa amin.
9Mapalad silang kukuha ng inyong mga sanggol, at ihahampas sa mga bato.