1Panginoon, magpapasalamat ako sa inyo nang buong puso. Aawit ako ng mga papuri sa inyo sa harap ng mga diyos.
2Luluhod ako na nakaharap sa inyong templo at magpupuri sa inyo dahil sa inyong pag-ibig at katapatan. Sapagkat ipinakita nʼyo na kayo at ang inyong mga salita ay dakila sa lahat.
3Nang humingi ako ng tulong, akoʼy inyong sinagot. Akoʼy binigyan ninyo ng lakas ng loob.