Awit 138

Luluhod ako na nakaharap sa inyong templo at magpupuri sa inyo dahil sa inyong pag-ibig at katapatan. Sapagkat ipinakita nʼyo na kayo at ang inyong mga salita ay dakila sa lahat.

Psalm 138:2 (UKJV) I will worship toward your holy temple, and praise your name for your loving kindness and for your truth: for you have magnified your word above all your name.

1Panginoon, magpapasalamat ako sa inyo nang buong puso. Aawit ako ng mga papuri sa inyo sa harap ng mga diyos.

2Luluhod ako na nakaharap sa inyong templo at magpupuri sa inyo dahil sa inyong pag-ibig at katapatan. Sapagkat ipinakita nʼyo na kayo at ang inyong mga salita ay dakila sa lahat.

3Nang humingi ako ng tulong, akoʼy inyong sinagot. Akoʼy binigyan ninyo ng lakas ng loob.

4Magpupuri sa inyo, Panginoon, ang lahat ng hari sa buong mundo, dahil maririnig nila ang inyong mga salita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.