Awit 138

Silaʼy aawit tungkol sa inyong ginawa, dahil dakila ang inyong kapangyarihan.

Psalm 138:5 (UKJV) Yea, they shall sing in the ways of the LORD: for great is the glory of the LORD.

3Nang humingi ako ng tulong, akoʼy inyong sinagot. Akoʼy binigyan ninyo ng lakas ng loob.

4Magpupuri sa inyo, Panginoon, ang lahat ng hari sa buong mundo, dahil maririnig nila ang inyong mga salita.

5Silaʼy aawit tungkol sa inyong ginawa, dahil dakila ang inyong kapangyarihan.

6Panginoon, kahit kayoʼy dakila sa lahat, nagmamalasakit kayo sa mga aba ang kalagayan. At kahit nasa malayo ka ay nakikilala mo ang lahat ng mga hambog.

7Kahit na sa buhay na itoʼy may mga kaguluhan, ang buhay koʼy inyong iniingatan. Pinarurusahan nʼyo ang aking mga kaaway. Inililigtas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.