Awit 139

Ang pagkakilala ninyo sa akin ay tunay na kahanga-hanga; hindi maarok ng aking pang-unawa.

Psalm 139:6 (UKJV) Such knowledge is too wonderful for me; it is high, I cannot attain unto it.

4Panginoon, hindi pa man ako nagsasalita ay alam na ninyo ang aking sasabihin.

5Lagi ko kayong kasama, akoʼy inyong iniingatan at kinakalinga.

6Ang pagkakilala ninyo sa akin ay tunay na kahanga-hanga; hindi maarok ng aking pang-unawa.

7Paano ba ako makakaiwas sa inyong Espiritu? Saan ba ako makakapunta na wala kayo?

8Kung pupunta ako sa langit ay naroon kayo; kung pupunta ako sa lugar ng mga patay, naroon din kayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.