1Panginoon, tumatawag po ako sa inyo; nawaʼy agad ninyo akong tulungan. Dinggin ninyo ang panawagan ko sa inyo.
2Tanggapin nʼyo sana ang dalangin ko bilang insenso, ang pagtataas ko ng aking mga kamay bilang handog panggabi.
3Panginoon, tulungan nʼyo akong huwag makapagsalita ng masama.