1Panginoon, tumatawag po ako sa inyo; nawaʼy agad ninyo akong tulungan. Dinggin ninyo ang panawagan ko sa inyo.
2Tanggapin nʼyo sana ang dalangin ko bilang insenso, ang pagtataas ko ng aking mga kamay bilang handog panggabi.
3Panginoon, tulungan nʼyo akong huwag makapagsalita ng masama.
4Ilayo nʼyo ako sa gawaing masama at sa mga taong gumagawa nito. Ilayo nʼyo rin ako sa kanilang mga handaan upang huwag makisalo.