2Tanggapin nʼyo sana ang dalangin ko bilang insenso, ang pagtataas ko ng aking mga kamay bilang handog panggabi.
3Panginoon, tulungan nʼyo akong huwag makapagsalita ng masama.
4Ilayo nʼyo ako sa gawaing masama at sa mga taong gumagawa nito. Ilayo nʼyo rin ako sa kanilang mga handaan upang huwag makisalo.
5Tatanggapin ko ang parusa at pagsaway ng taong matuwid, dahil ginagawa niya ito na may pag-ibig at pagmamalasakit sa akin. Itoʼy parang langis sa aking ulo. Ngunit sa masasamang tao ang lagi kong panalangin ay laban sa kanilang masasamang gawain.
6Kapag itinapon na ang kanilang mga pinuno sa mabatong bangin, maniniwala silang totoo ang mga sinasabi ko.