Awit 141

Kapag itinapon na ang kanilang mga pinuno sa mabatong bangin, maniniwala silang totoo ang mga sinasabi ko.

Psalm 141:6 (UKJV) When their judges are overthrown in stony places, they shall hear my words; for they are sweet.

4Ilayo nʼyo ako sa gawaing masama at sa mga taong gumagawa nito. Ilayo nʼyo rin ako sa kanilang mga handaan upang huwag makisalo.

5Tatanggapin ko ang parusa at pagsaway ng taong matuwid, dahil ginagawa niya ito na may pag-ibig at pagmamalasakit sa akin. Itoʼy parang langis sa aking ulo. Ngunit sa masasamang tao ang lagi kong panalangin ay laban sa kanilang masasamang gawain.

6Kapag itinapon na ang kanilang mga pinuno sa mabatong bangin, maniniwala silang totoo ang mga sinasabi ko.

7Sasabihin nila, “Kakalat sa libingan ang mga buto natin katulad ng mga bato na naglalabasan at kumakalat kapag inaararo ang lupa.”

8O Makapangyarihang Panginoon, akoʼy lumalapit sa inyo. Hinihiling ko sa inyo na ingatan nʼyo ako, huwag nʼyong hahayaang akoʼy mamatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.