Awit 141

Tatanggapin ko ang parusa at pagsaway ng taong matuwid, dahil ginagawa niya ito na may pag-ibig at pagmamalasakit sa akin. Itoʼy parang langis sa aking ulo. Ngunit sa masasamang tao ang lagi kong panalangin ay laban sa kanilang masasamang gawain.

Psalm 141:5 (UKJV) Let the righteous strike me; it shall be a kindness: and let him reprove me; it shall be an excellent oil, which shall not break my head: for yet my prayer also shall be in their calamities.

3Panginoon, tulungan nʼyo akong huwag makapagsalita ng masama.

4Ilayo nʼyo ako sa gawaing masama at sa mga taong gumagawa nito. Ilayo nʼyo rin ako sa kanilang mga handaan upang huwag makisalo.

5Tatanggapin ko ang parusa at pagsaway ng taong matuwid, dahil ginagawa niya ito na may pag-ibig at pagmamalasakit sa akin. Itoʼy parang langis sa aking ulo. Ngunit sa masasamang tao ang lagi kong panalangin ay laban sa kanilang masasamang gawain.

6Kapag itinapon na ang kanilang mga pinuno sa mabatong bangin, maniniwala silang totoo ang mga sinasabi ko.

7Sasabihin nila, “Kakalat sa libingan ang mga buto natin katulad ng mga bato na naglalabasan at kumakalat kapag inaararo ang lupa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.