Awit 145

Ibinibigay ninyo ang nais ng mga taong may takot sa inyo; pinapakinggan ninyo ang kanilang mga daing at inililigtas nʼyo sila.

Psalm 145:19 (UKJV) He will fulfill the desire of them that fear him: he also will hear their cry, and will save them.

17Panginoon, matuwid kayo sa lahat ng inyong pamamaraan, at matapat sa lahat ng inyong ginagawa.

18Kayoʼy malapit sa lahat ng tapat na tumatawag sa inyo.

19Ibinibigay ninyo ang nais ng mga taong may takot sa inyo; pinapakinggan ninyo ang kanilang mga daing at inililigtas nʼyo sila.

20Binabantayan ninyo ang mga umiibig sa inyo, ngunit ang masasama ay lilipulin ninyo.

21Pupurihin ko kayo, Panginoon! Ang lahat ng nilikha ay magpupuri sa inyo magpakailanman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.