15Ang lahat ng nilalang na may buhay ay umaasa sa inyo, at binibigyan nʼyo sila ng pagkain sa panahong kailangan nila.
16Sapat ang inyong ibinibigay at silaʼy lubos na nasisiyahan.
17Panginoon, matuwid kayo sa lahat ng inyong pamamaraan, at matapat sa lahat ng inyong ginagawa.
18Kayoʼy malapit sa lahat ng tapat na tumatawag sa inyo.
19Ibinibigay ninyo ang nais ng mga taong may takot sa inyo; pinapakinggan ninyo ang kanilang mga daing at inililigtas nʼyo sila.