13Ang inyong paghahari ay magpakailanman. Panginoon, tapat kayo sa inyong mga pangako, at mapagmahal kayo sa lahat ng inyong nilikha.
14Tinutulungan ninyo ang mga dumaranas ng kahirapan, at pinalalakas ang mga nanghihina.
15Ang lahat ng nilalang na may buhay ay umaasa sa inyo, at binibigyan nʼyo sila ng pagkain sa panahong kailangan nila.
16Sapat ang inyong ibinibigay at silaʼy lubos na nasisiyahan.
17Panginoon, matuwid kayo sa lahat ng inyong pamamaraan, at matapat sa lahat ng inyong ginagawa.