12Purihin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos, kayong mga naninirahan sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem!
13Dahil pinatitibay niya ang pintuan ng inyong bayan, at kayoʼy kanyang pinagpapala.
14Binibigyan niya ng kapayapaan ang inyong lugar, at binubusog niya kayo ng pinakamabuting trigo.
15Inuutusan niya ang mundo, at agad naman itong sumusunod.
16Inilalatag niya sa lupa ang niyebe na parang mga puting kumot, at ikinakalat na parang abo.