14Binibigyan niya ng kapayapaan ang inyong lugar, at binubusog niya kayo ng pinakamabuting trigo.
15Inuutusan niya ang mundo, at agad naman itong sumusunod.
16Inilalatag niya sa lupa ang niyebe na parang mga puting kumot, at ikinakalat na parang abo.
17Nagpapadala siya ng ulan na yelo na parang maliliit na bato. Kahit sino ay walang makatagal sa lamig nito.
18Sa kanyang utos, ang yelo ay natutunaw. Pinaiihip niya ang hangin, at ang yelo ay nagiging tubig na umaagos.