16Inilalatag niya sa lupa ang niyebe na parang mga puting kumot, at ikinakalat na parang abo.
17Nagpapadala siya ng ulan na yelo na parang maliliit na bato. Kahit sino ay walang makatagal sa lamig nito.
18Sa kanyang utos, ang yelo ay natutunaw. Pinaiihip niya ang hangin, at ang yelo ay nagiging tubig na umaagos.
19Ipinahayag niya ang kanyang mga salita, mga tuntunin at mga utos sa mga taga-Israel na lahi ni Jacob.
20Hindi niya ito ginawa sa ibang mga bansa; hindi nila alam ang kanyang mga utos. Purihin ang Panginoon!