Awit 17

Alam nʼyo kung sino ang gumagawa ng matuwid, kaya sabihin nʼyo na wala akong kasalanan.

Psalm 17:2 (UKJV) Let my sentence come forth from your presence; let yours eyes behold the things that are equal.

1O Panginoon, pakinggan ninyo ang taimtim kong dalangin. Dinggin nʼyo po ang hiling kong katarungan.

2Alam nʼyo kung sino ang gumagawa ng matuwid, kaya sabihin nʼyo na wala akong kasalanan.

3Siniyasat nʼyo ang puso ko, at kahit sa gabiʼy sinusubukan nʼyo ako, ngunit wala kayong nakitang anumang kasalanan sa akin. Napagpasyahan ko na hindi ako magsasalita ng masama

4gaya ng ginagawa ng iba. Dahil sa inyong mga salita, iniiwasan ko ang paggawa ng masama at kalupitan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.