2Alam nʼyo kung sino ang gumagawa ng matuwid, kaya sabihin nʼyo na wala akong kasalanan.
3Siniyasat nʼyo ang puso ko, at kahit sa gabiʼy sinusubukan nʼyo ako, ngunit wala kayong nakitang anumang kasalanan sa akin. Napagpasyahan ko na hindi ako magsasalita ng masama
4gaya ng ginagawa ng iba. Dahil sa inyong mga salita, iniiwasan ko ang paggawa ng masama at kalupitan.
5Palagi kong sinusunod ang inyong kagustuhan, at hindi ako bumabaling sa kaliwa o sa kanan man.
6O Diyos sa inyo akoʼy dumadalangin, dahil alam kong akoʼy inyong diringgin. Pakinggan nʼyo po ang aking mga hiling.