Awit 17

Palagi kong sinusunod ang inyong kagustuhan, at hindi ako bumabaling sa kaliwa o sa kanan man.

Psalm 17:5 (UKJV) Hold up my activities in your paths, that my footsteps slip not.

3Siniyasat nʼyo ang puso ko, at kahit sa gabiʼy sinusubukan nʼyo ako, ngunit wala kayong nakitang anumang kasalanan sa akin. Napagpasyahan ko na hindi ako magsasalita ng masama

4gaya ng ginagawa ng iba. Dahil sa inyong mga salita, iniiwasan ko ang paggawa ng masama at kalupitan.

5Palagi kong sinusunod ang inyong kagustuhan, at hindi ako bumabaling sa kaliwa o sa kanan man.

6O Diyos sa inyo akoʼy dumadalangin, dahil alam kong akoʼy inyong diringgin. Pakinggan nʼyo po ang aking mga hiling.

7Ipakita nʼyo ang inyong pag-ibig sa pamamagitan ng inyong kahanga-hangang gawa. Alam ko, sa inyong kapangyarihan, inyong inililigtas ang mga taong nanganganlong sa inyo mula sa kanilang mga kaaway.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.