Awit 17

O Diyos sa inyo akoʼy dumadalangin, dahil alam kong akoʼy inyong diringgin. Pakinggan nʼyo po ang aking mga hiling.

Psalm 17:6 (UKJV) I have called upon you, for you will hear me, O God: incline yours ear unto me, and hear my speech.

4gaya ng ginagawa ng iba. Dahil sa inyong mga salita, iniiwasan ko ang paggawa ng masama at kalupitan.

5Palagi kong sinusunod ang inyong kagustuhan, at hindi ako bumabaling sa kaliwa o sa kanan man.

6O Diyos sa inyo akoʼy dumadalangin, dahil alam kong akoʼy inyong diringgin. Pakinggan nʼyo po ang aking mga hiling.

7Ipakita nʼyo ang inyong pag-ibig sa pamamagitan ng inyong kahanga-hangang gawa. Alam ko, sa inyong kapangyarihan, inyong inililigtas ang mga taong nanganganlong sa inyo mula sa kanilang mga kaaway.

8Ingatan nʼyo ako katulad ng pag-iingat ng tao sa kanyang mga mata, at kalingain nʼyo gaya ng inahing manok sa kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.