Awit 18

Humingi sila ng tulong, ngunit walang tumulong sa kanila. Tumawag din sila sa inyo Panginoon, ngunit kayoʼy hindi tumugon.

Psalm 18:41 (UKJV) They cried, but there was none to save them: even unto the LORD, but he answered them not.

39Binigyan nʼyo ako ng lakas sa pakikipaglaban, kaya natalo ko ang aking mga kaaway.

40Pinaatras ninyo ang aking mga kaaway at pinatay ko ang mga galit sa akin.

41Humingi sila ng tulong, ngunit walang tumulong sa kanila. Tumawag din sila sa inyo Panginoon, ngunit kayoʼy hindi tumugon.

42Dinurog ko sila hanggang sa naging alikabok na lang na inililipad ng hangin, at tinatapak-tapakan na parang putik sa kalsada.

43Akoʼy iniligtas nʼyo sa mga rebelde, at ginawa nʼyo akong pinuno ng maraming bansa. Kahit ang mga hindi nakakakilala sa akin, pinaglingkuran na nila ako ngayon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.