40Pinaatras ninyo ang aking mga kaaway at pinatay ko ang mga galit sa akin.
41Humingi sila ng tulong, ngunit walang tumulong sa kanila. Tumawag din sila sa inyo Panginoon, ngunit kayoʼy hindi tumugon.
42Dinurog ko sila hanggang sa naging alikabok na lang na inililipad ng hangin, at tinatapak-tapakan na parang putik sa kalsada.
43Akoʼy iniligtas nʼyo sa mga rebelde, at ginawa nʼyo akong pinuno ng maraming bansa. Kahit ang mga hindi nakakakilala sa akin, pinaglingkuran na nila ako ngayon.
44Yumuyukod sila sa aking harapan. Naririnig pa lang nila ang tungkol sa akin, sumusunod agad sila sa utos ko.