42Dinurog ko sila hanggang sa naging alikabok na lang na inililipad ng hangin, at tinatapak-tapakan na parang putik sa kalsada.
43Akoʼy iniligtas nʼyo sa mga rebelde, at ginawa nʼyo akong pinuno ng maraming bansa. Kahit ang mga hindi nakakakilala sa akin, pinaglingkuran na nila ako ngayon.
44Yumuyukod sila sa aking harapan. Naririnig pa lang nila ang tungkol sa akin, sumusunod agad sila sa utos ko.
45Nawawalan sila ng lakas ng loob, kaya lumalabas sila sa kanilang pinagtataguan na nanginginig sa takot.
46Buháy kayo, Panginoon! Karapat-dapat kayong purihin at dakilain, O Diyos na aking batong kanlungan at Tagapagligtas!