Awit 18

Buháy kayo, Panginoon! Karapat-dapat kayong purihin at dakilain, O Diyos na aking batong kanlungan at Tagapagligtas!

Psalm 18:46 (UKJV) The LORD lives; and blessed be my rock; and let the God of my salvation be exalted.

44Yumuyukod sila sa aking harapan. Naririnig pa lang nila ang tungkol sa akin, sumusunod agad sila sa utos ko.

45Nawawalan sila ng lakas ng loob, kaya lumalabas sila sa kanilang pinagtataguan na nanginginig sa takot.

46Buháy kayo, Panginoon! Karapat-dapat kayong purihin at dakilain, O Diyos na aking batong kanlungan at Tagapagligtas!

47Kayo, O Diyos, ang naghihiganti para sa akin, at ipinapasailalim mo ang mga bansa sa aking kapangyarihan.

48Inililigtas nʼyo ako sa mararahas kong kalaban, at pinagtatagumpay nʼyo ako sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.