46Buháy kayo, Panginoon! Karapat-dapat kayong purihin at dakilain, O Diyos na aking batong kanlungan at Tagapagligtas!
47Kayo, O Diyos, ang naghihiganti para sa akin, at ipinapasailalim mo ang mga bansa sa aking kapangyarihan.
48Inililigtas nʼyo ako sa mararahas kong kalaban, at pinagtatagumpay nʼyo ako sa kanila.
49Kaya pararangalan ko kayo sa mga bansa. O Panginoon, aawitan ko kayo ng mga papuri.
50Sa hinirang nʼyong hari ay nagbigay kayo ng maraming tagumpay. Ipinapadama ninyo ang inyong wagas na pag-ibig sa inyong hinirang na si David at sa lahat ng kanyang lahi, magpakailanman.